Monday, September 7, 2009

Wikang FILIPINO mula Baler hanggang buong BANSA.!!!

Ang karamihan sa mga sagabal o kasiraang umiiral ngayoy dahil sa pangyayaring wala tayong isang wikang pambansa na ating sarili. Ang hangad na gayahin ang lahat ng bagay na dayuhan, nang hindi nalalaman kung yaong ating ginagawa ay mabuti o masama, ay bunga ng isang kasamaan ang kawalan ng isang tunay na diwang pambansa. Hindi makaiiral ang isang wikang pambansa noon walang wikang panlahat . Hindi tayo magkakaroon kailanman ng tunay na pagkakilala sa ating karangalan bilang isang bansa hanggat wala tayong sariling wika. Lagi nating tataglayin iyan tanda ng kababaang uri.
Hindi pa huli ang lahat. Huwag tayong magpapagamit sa mga makalumang paguugali. Mahalin natin ang sariling atin. Dapat palaganapin natin ang ating wika dahil ito ang siyang isa sa pinakamahalagang pamana ng ating mga ninuno. Saan man tayo magpunta taas noo tayong humarap sa kanila gamit ang sariling wika.

No comments:

Post a Comment